Umiikot na Arrest order No. 3, peke ayon kay Lorenzana
Mariing itinanggi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na naglabas siya ng ikatlong arrest order laban sa mga personalidad at lokal na opisyal sa Mindanao.
Ayon kay Lorenzana, nakatanggap siya ng mga ulat na may umiikot nang Arrest Order No. 3.
Giit ni Lorenzana, wala siyang inilalabas na anumang Arrest Order No. 3, kaya malamang aniya na peke ang dokumentong umiikot ngayon.
Dahil dito, nanawagan si Lorenzana sa publiko na huwag nang ipamahagi ang fake news tungkol dito upang maiwasan ang kalituhan at para hindi naman makompromiso ang mga operasyon nila.
Una nang naglabas ng dalawang arrest order si Lorenzana na naglalaman ng mga pangalan ng mga tiyak at hinihinalang miyembro ng Maute Group, pati na ang mga lokal na opisyal na sangkot umano sa pagsuporta sa teroristang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.