Tubig at pagkain, apela ng mga biktima ng lindol sa Leyte

By Kabie Aenlle July 08, 2017 - 04:47 AM

Nananawagan ang mga lokal na opisyal sa Leyte ng tulong para sa mga nasalanta bunsod ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa lalawigan noong Huwebes.

Partikular na hinihiling ng mga opisyal ay mga pagkain at malinis na tubig na maaring inumin, para sa hindi bababa sa 20 barangay na lubhang naapektuhan ng lindol.

Dahil rin sa naturang lindol, naputulan ng supply ng tubig ang maraming bahagi ng Leyte at iba pang kalapit na mga lalawigan.

Ayon kay Mayor Richard Gomez, nangangailangan sila ngayon ng mga generator sets para sa pag-pump sa mga balon ng tubig.

Nagpahiram na ang Energy Development Corp. (EDC) ng tatlong generator sets sa Ormoc at isa sa bayan ng Kananga.

Gayunman, sinabi ni EDC president Ricky Tantoco na kinailangan muna nilang pansamantalang i-shut down ang kanilang mga planta upang siyasatin ang mga ito kung may natamong pinsala dahil sa lindol.

Sa Bohol naman, problema ng mga residente ang kawalan ng supply ng tubig, maliban pa sa kawalan din ng kuryente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.