Umano’y financier ng ASG, napatay sa operasyon ng militar sa Basilan

By Kabie Aenlle July 08, 2017 - 04:42 AM

Napatay ng mga pwersa ng gobyerno ang isang drug suspect at hinihinalang financier rin ng grupong Abu Sayyaf sa Ungkaya Pukan, Basilan.

Ayon kay Joint Task Force Basilan commander Col. Juvymax Uy, ito ang naging resulta ng kanilang isinagawang raid sa safehouse ni Tules Pangamdas sa Barangay Bohe Pahuh.

Magkatuwang na isinagawa ng 18th Infantry Battalion ng Philippine Army at ng mga militiamen na pinangunahan ni Vice Mayor Joel Maturan ang naturang operasyon.

Tumagal pa ng halos isang oras ang bakbakan sa raid dahil tumangging magpa-aresto si Pangamdas, dahilan para masugatan rin ang limang sundalo.

Narekober naman mula sa suspek ang isang M2 carbine rifle, M79 launcher at mga drug paraphernalia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.