Posibleng maging bahay ng Song-Song couple, kumalat online

By Justinne Punsalang July 07, 2017 - 03:55 PM

The Korea Herald

Matapos ianunsyo ng Song-Song couple na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo, ang kanilang pagpapakasal sa October 31 ngayong taon, kumakalat naman ngayon online ang sinasabing magiging bahay ng mga bida ng “Descendants of the Sun”.

Noong Mayo may mga bali-balitang bumili umano si Joong Ki ng isang bahay malapit sa Itaewon, Seoul noon pang Enero.

Ayon sa The Korea Herald, ang bahay na binili umano ni Joong Ki ay nakatayo sa 602 square-meter na lupa, na may dalawang palapag at basement.

Nagkakahalaga ang bahay ng 10 billion won o halos 451 million pesos.

Kung totoo ang mga bali-balita tungkol sa biniling bahay ni Joong Ki, sila ni Hye Kyo ay magiging kapitbahay ng K-Pop superstar na si Rain at asawa nitong si Kim Tae Hee.

Ayon naman sa Dispatch, isang Korean news site, ang bahay nina Rain at Tae Hee ay nagkakahalaga ng limang bilyong won o halos 228 million pesos.

Sa nasabing lugar din nakatira sina Park Myung Soo at Shin Dong Yup.

Matatandaan namang nagkasama na sina Hye Kyo at Rain sa rom-com K-series na “Full House” noong 2004.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Song Hye Kyo, Song Joong Ki, songsong couple, Song Hye Kyo, Song Joong Ki, songsong couple

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.