Shortlist ng JBC para sa papalit sa magreretirong si Associate Justice Mendoza, inilabas na

By Mark Gene Makalalad July 07, 2017 - 03:23 PM

Inilabas na ng Judicial and Bar Council o JBC ang shortlist nito sa posibleng papalit sa babakantehing pwesto sa Korte Suprema ni Associate Justice Jose Catral Mendoza na magreretiro na sa August 13 ngayong taon.

Walong miyembro ng hudikatura ang maswerteng nakapasok sa naturang shortlist na pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na appointee nito sa Supreme Court.

Nangunguna sa listahan si Court of Appeals Associate Justice Japar Dimaampao na tubong Marawi City na nakakuha ng pitong boto.

Pitong boto rin ang nakuha ni Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo.

Anim na boto naman ang nakuha ni CA Presiding Justice Andres Reyes Jr. habang tig-lilimang boto para kina Justices Apolinario Bruselas, Ramon Paul Hernando at Andres Reyes Jr.

Mayroon namang tig-apat na boto sina Justices Rosmari Carandang at Amy Lazaro-Javier.

Ang shortlist ng JBC ay isusumite sa taggapan ng pangulo kung saan mayroon itong 90-araw simula nang mabakante ang pwesto sa SC para magtalaga ng kapalit Justice Mendoza.

 

TAGS: Associate Justice, JBC, justice jose catral mendoza, Radyo Inquirer, Supreme Court, Associate Justice, JBC, justice jose catral mendoza, Radyo Inquirer, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.