Code blue alert itinaas ng DOH sa Visayas Region

Photo from Leo Atregenio

Itinaas na ng Department of Health sa code blue alert ang kanilang alerto sa mga nilindol na lugar sa Visayas Region.

Ayon kay DOH spokesperson Asec. Eric Tayag kabilang ang mga lalawigan sa Eastern Visayas gayundin ang mga kalapit na probinsya ng Bohol, Cebu, Negros at Surigao sa sakop ng alerto.

Photo from Leo Atregenio

Sinabi ni Tayag na sa ilalim ng code blue alert lahat ng mga doctor at nurse ng mga government hospital ay kailangang naka-duty.

Ito ayon sa opisyal ay upang makasiguro na may sapat na bilang ng mga doctor at nurse na aasiste sa mga dadalhing pasyente na naapektuhan ng lindol.

Kasunod na rin ito ng pagdagsa aniya ng nasa 40 pasyente sa isang ospital sa Leyte.

Samantala, ipinapasuri na ng DOH sa mga engineers ang integridad ng mga government at private hospitals sa mga nilindol na lugar.

Ito ayon kay Tayag ay upang makasiguro na ligtas ang mga ospital na maaring pagdalhan sa mga pasyente.

Maging ang pinagkukunan ng maainum na tubig sa mga nilindol na tubig ay ipinasusuri na rin ng DOH upang makatiyak na malinis ito.

Sa ngayon anya ay wala pa namang ulat na ospital na naapektuhan ng lindol.

Inaasahan naman ni Tayag na mabibigyan sila ng report sa loob ng 48 oras.

Sa pinakahuling tala ng DOH, dalawa na ang patay at 138 ang nasugatan sa pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa kabisayaan.

 

 

 

 

 

Read more...