Mga motorista, inabisuhan ng MMDA sa isasagawang Bike Parade ng PNP sa Linggo

By Dona Dominguez-Cargullo July 07, 2017 - 02:10 PM

Nagpalabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay sa isasagawang ‘Bike Parade’ ng Philippine National Police (PNP) sa Linggo, July 9, 2017.

Ayon sa MMDA, magsisimula ang ‘Bike Parade’ na may temang ‘Kalayaan sa Iligal na Droga’ sa kilometer zero sa Maynila at magtatapos sa Camp Crame sa Quezon City.

Nasa 23 kilometers ang layo lalakbayin ng mga lalahok sa ‘Bike Parade’.

Inaasahang marami ang makikilahok sa aktibidad, dahil bagaman mayroong registration online na sinimulan noong Miyerkules, July 5, ay bukas naman ito sa lahat ng gustong lumahok kahit hindi rehistrado.

“Anyone can just bike and show support for the ride without registration,” ayon sa abiso
ng National Bicycle Organization na katuwang PNP sa programa.

Bagaman alas 5:30 pa ng umaga ang simula ng parade, sinabi ng MMDA, na simula alas 12:00 ng hatinggabi ay inaasahang magtitipon-tipon na sa kilometer zero ang mga lalahok.

Dahil dito, partikular na unang maaapektuhan ang mga motorista na dadaan sa Roxas Boulevard.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bike parade, metro news, PNP, Radyo Inquirer, bike parade, metro news, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.