Rally ng INC, hindi isang uri ng destabilisasyon – Atty. Topacio

By Den Macaranas August 29, 2015 - 03:09 PM

ferdinand-topacio
Inquirer file photo

Humingi ng pang-unawa sa publiko si Atty. Ferdinand Topacio hingil sa isinasagawang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo laban kay Justice Sec. Leila de Lima sa kahabaan ng EDSA.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Topacio na isa ring miyembro ng INC na ang kanilang ginagawa ay bahagi lamang ng isang malayang pamamahayag at pagtitipon.

Sabi ni Topacio,”kahit ang ating Saligang-Batas ay nagsasabi na dapat garantiyahan ng pamahalaan ang malayang pamamahayag ng damdamin ng isang indibiduwal o grupo”.

Nilinaw din ni Topacio na kailanman ay hindi naging bahagi ng pagpapabagsak sa pamahalaan ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo.

Tiniyak din ni Topacio na magiging maayos ang kanilang kilos-protesta at hindi sila pagmumulan ng anumang uri ng kaguluhan na pwedeng mauwi sa sakitan sa hanay ng mga protesters at tauhan ng pulisya.

“Ang ipinaglalaban naming dito ay malinaw, patas na pagpapatupad ng hustisya ang aming hiling at hindi na dapat gawing isyu ang relihiyon, humihingi rin kami ng pang-unawa sa mga naabala sa kanilang byahe”, dagdag na paliwanag ni Topacio.

TAGS: EDSA Shrine, INC, Topacio, EDSA Shrine, INC, Topacio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.