114 na motorista, huli sa unang araw ng pagpapatupad ng ADDA

Umabot sa 114 ang nahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, sa nasabing bilang, 68 ay pawang mga motorcycle rider, 28 naman ang nagmamaneho ng kotse, 3 ay bus drivers at dalawang driver ng truck.

Nakuhanan sa CCTV ng MMDA ang nasabing mga lumabag na motorista.

Sinabi ni Pialago na 275 ang bilang ng kanilang CCTV sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila na pawang high definition.

Dahil HD ang mga camera, kitang-kita ang mga motorista na gumagamit ng cellhone habang nagmamaneho, kahit pa tinted ang kanilang sasakyan.

Karamihan sa mga nahuli ay nakitang tumatawag gamit ang kanilang cellphone, ang iba naman ay mistulang may pinapanood.

Limang libong pisong multa ang kaparusahan sa unang paglabag sa ADDA.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...