Flights ng Cebu Pacific sa Cebu at Ormoc, kanselado hanggang July 9

By Dona Dominguez-Cargullo July 07, 2017 - 07:39 AM

Kinansela na ng Cebu Pacific ang lahat ng kanilang mga biyahe patungong Cebu at Ormoc City hanggang sa July 9, araw ng Linggo.

Ito ay matapos ang naganap na magnitude 6.5 na lindol sa Leyte na nagdulot ng sira sa paliparan sa Ormoc.

Ayon sa abiso ng Cebu Pacific, ang mga pasahero na apektado ng kanselasyon ng mga biyahe ay mayroong 30-araw para ipa-rebook ang kanilang flights.

Pwede rin nilang i-refund ang kanilang ibinayad sa ticket.

Pinayuhan ng Cebu Pacific ang mga pasaherong apektado na tumawag sa kanilang hotlines ‎(+632)702-0888 o ‎(+632)230-8888, o ‘di kaya ay magpadala ng mensahe sa Cebu Pacific Facebook (https://www.facebook.com/cebupacificair) o Twitter (@CebuPacificAir).

 

 

 

 

TAGS: cebu pacific, earthquake, leyte, Radyo Inquirer, cebu pacific, earthquake, leyte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.