Palitan ng piso kontra dolyar lalong dumausdos

 

Lalo pang humina ang palitan ng piso kontra US dollar sa pagsasara nito kahapon sa 50.670.

Nananatili pa rin itong halos dikit na sa 11-year low matapos itong magsara sa 50.600 noong isang araw.

Nagbukas ito sa antas na P50.530 kada dolyar, na bahagyang mas malakas kumpara sa pagsasara noong Miyerkules.

Naitala ang intraday low sa 50.695 at intraday high na 50.530 sa Philippine Dealing System.

Malaki naman ang ibinaba ng kabuuang trade volume sa $430 million mula sa $507 million na naitala noong Miyerkules.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Nestor Espenilla, ang paggalaw sa palitan ng piso ay sanhi ng “prevailing market conditions,” pati na ng “underlying economic fundamentals” alinsunod na rin sa exchange rate policy ng BSP.

Read more...