Walang peace talks, hangga’t tuloy ang extortion ng NPA-Duterte
Magpapatuloy lang ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng komunistang grupo kung ihihinto na ng New People’s Army (NPA) ang extortion activities ng mga ito ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Duterte, ang “revolutionary tax” na hinihingi ng NPA, ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay walang pinagkaiba sa extortion.
Sinabi pa ng pangulo na nagbabayad ang mga tao ng tax ngunit hindi naman nakakatanggap ng proteksyon at patuloy na kinikikilan ng NPA.
Aniya kung gusto ng mga ito na magpatuloy ang peace talks ay dapat nilang itgil ang ginagawa nilang extortion.
Matatandaang hindi itinuloy ng pamahalaan ang ikalimang round ng peace talks matapos bigyan ng direktiba ng CPP ang NPA na magsagawa ng mga pag-atake laban sa pamahalaan kasunod ng pagdedeklara ng martial law sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.