Lorenzana, humingi ng tawad sa mga posibleng pagmamalabis ng mga sundalo sa Marawi

By Kabie Aenlle July 07, 2017 - 04:06 AM

 

Humingi ng paumanhin si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa mga residente ng Marawi City para sa kung anumang pang-aabuso o karahasang ipinakita ng mga sundalo sa kanila.

Ayon kay Lorenzana, sakali mang may ginawa ang mga sundalo na medyo higit na sa dapat nilang gawin ay siya na ang humihingi ng tawad para sa mga ito.

Paliwanag ng kalihim, nagawa lang ng mga sundalo ang mga ganoong bagay marahil ay dahil na rin sa dami ng nalagas sa kanilang tropa, at para huwag nang madagdagan pa.

Kasabay nito ay humiling si Lorenzana ng karagdagan pang pasensya mula sa mga residente at aniya, kaunting pagtitiis na lang ang kailangan.

Dagdag pa ni Lorenzana, sinabi naman na sa kanila ng mga ground commanders na malapit nang matapos ang bakbakan sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub