Palasyo, pinakakalma ang mga nabiktima ng lindol

By Kabie Aenlle July 07, 2017 - 04:30 AM

 

FB/Ormoc City Gov’t

Nanawagan ang Palasyo ng Malacañang sa publiko na manatiling kalmado pero mapagmatyag, matapos ang magnitude 6.5 na lindol sa Leyte.

Sa pahayag na inilabas ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nakiusap siya lalo na sa mga residente ng mga apektadong lugar na kumalma muna at paghandaan ang mga posibleng aftershocks.

Kasunod nito ay tiniyak ni Abella na agad na magpaparating ng tulong sa mga naapektuhan ang pamahalaan.

Hinimok rin ni Abella ang mga tao na kumuha ng updates sa website ng PHIVOLCS kaugnay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.