PNP: Bucor nasa likod ng paninira sa mga SAF members sa Bilibid

By Chona Yu July 06, 2017 - 04:56 PM

Inquirer file photo

Hinamon ng liderato ng Philippine National Police si Bureau of Corrections Director Benjamin delos Santos na pangalanan ang isang miyembro ng Special Action Force na umanoy nagnakaw ng TV at P200,000 cash sa vault ng Chaplain ng Bilibid.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, nakipag-ugnayan sana muna ang Bucor sa PNP bago inilabas sa media ang nasabing ulat.

Dapat din aniyang sampahan na ng kaso na may kaakibat na matibay na ebdiensya ang naturang SAF trooper.

Pagtitiyak ni Carlos, hindi kukunsintihin ng PNP ang sinumang pulis na nasasangkot sa katiwalian.

Kasabay nito, kinukwestyun ni Carlos ang motibo ng Bucor kaugnay sa sunod sunod na paninira sa mga SAF members na nagbabantay sa Bilibid.

Nakapagtataka aniya dahil paulit-ulit na lamang ang mga akusasyon sa kanilang mga tauhan simula nang bantayan nila ang mga bigtime drug lord na nakakulong sa NBP.

TAGS: Bilibid, bucor, Illegal Drugs, PNP, SAF, Bilibid, bucor, Illegal Drugs, PNP, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.