Pamahalaan binalaan, huwag sagarin ang pasensya ng mga OFWs

By Alvin Barcelona August 29, 2015 - 11:14 AM

roy seneres
Inquirer file photo

Nagbabala ang OFW Family Club Partylist laban sa mga magtatangka na muling gipitin ang mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Kasunod ito ng pagpapatigil ni Pangulong Aquino sa pagbubuwis at pagbubukas sa mga Balikbayan Boxes dahil sa pagsasama-samang pagkondena ng mga OFW dito.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni OFW Family Club Rep. Roy Seneres, na unprecedented ang Ipinakitang pagkakaisa ng mga Pinoy workers laban sa palagay nito ay panggigipit ng Bureau of Customs sa mga tinaguriang bagong bayani ng bansa. Sa ngayon ay mayroon aniyang 10 milyong OFWs, bukod sa mga pamilya nito at mga dating Pinoy workers.

“Malaki ang bahagi ng OFW sa pagsusulong ng ating ekonomiya at hindi ito dapat balewalain ng pamahalaan”, dagdag pa ni Seneres.

Kaugnay nito, nanindigan si Seneres na gawain ng mga unscrupolous na forwarder ang paglalagay ng mga taxable at illegal items tulad ng droga sa mga Balikbayan Boxes at naiipit lang umano sa mga ganitong kalokohan ang mga nagta-trabaho ng maayos na mga OFWs.

Aniya ang dapat na tutukan ng Bureau of Customs ay ang malalaki at kahina hinalang container vans at huwag na pagdiskitahan ang padala ng mga Pinoy mula sa ibang bansa.

TAGS: ofw, Remittance, Seneres, ofw, Remittance, Seneres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.