International runway sa NAIA, isinara dahil sa lubak
Isinara ang bahagi ng international runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa natuklasang lubak.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), dalawang lubak ang nakita sa international runway 06/24 dahilan para ipatupad ang pagsasara nito.
Kinakailangang isailalim sa emergency repair ang sira sa runway na inaasahan ding matatapos agad ngayong hapon.
Nananatili namang bukas ang domestic runway ng paliparan para sa flight operations.
Ang mga international flights na gumagamit ng hanggang A320 series type ng aircraft ay pinayagang magamit ang domestic runway para sa kanilang landing at take-off.
Nagresulta naman ito sa delay sa mga flights kaya pinapayuhan ng MIAA ang publiko na i-check ang kanilang flight status.
Maaring tumawag sa mga sumusunod na telephone number ng apat na terminals ng NAIA:
T1 : 8771109 loc 765
T2: 8771109 loc 2880 and 2882
T3: 8777888 loc 8144
T4: 8771109 loc 4226
Pwede ring magpadala ng text sa 09178396242.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.