P29M ill-gotten wealth ni dating PNP Chief Purisima, gustong ipabawi ng Ombudsman

By Dona Dominguez-Cargullo July 06, 2017 - 11:40 AM

Inquirer File Photo

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng petisyon sa Sandiganbayan para sa forfeiture proceedings upang mabawi ang hindi maipaliwanag na yaman ni dating Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima at kaniyang pamilya.

Aabot sa P29.2 million ang halaga ng mga ari-arian ang gustong mabawi ng Ombudsman kay Purisima kaniyang asawa na si Ma. Ramona Lydia Purisima at mga anak na sina Rainier Van Albert, Eumir Von Andrei, Alan Jr. at Jason Arvi.

Ipinag-utos din ni Morales ang paghahain ng impormasyon para sa siyam na bilang ng kasong perjury laban sa dating PNP chief dahil sa kabiguang i- disclose ang kaniyang mga ari-arian sa Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2006 hanggang 2014.

Si Purisima ay napatunayang guilty sa Grave Misconduct, Serious Dishonesty at Acquisition of Unexplained Wealth na ang karampatang parusa ay pagkakasibak sa serbisyo.

Sa record, habang nasa PNP si Purisima ay umabot sa mahigit P9.5 million ang kaniyang natanggap na sweldo, allowances at iba pang benepisyo mula 2000 hanggang 2014.

Ang misis naman niyang si Maria Ramona ay tumanggap ng gross total compensation at iba pang income na aabot sa mahigit P6.3 million bilang empleyado ng AFP Mutual Benefits Association, Inc.

Kung susumahin, mahigit P15.9 million lang ang pinagsamang kita ng dalawa pero nang isagawa ang imbestigasyon ng Ombudsman, umabot umano sa mahigit P29 million ang unexplained acquisitions ng pamilya Purisma.

Lumabas din sa record ng Bureau of Immigration ang madalas na pagbiyahe ni Purisima sa ibang bansa mula 2001 hanggang 2014 na umabot sa labingsiyam na foreign trips, 12 dito ay official trip at pito ang personal na biyahe.

Ang misis niyang si Ramona ay labingisyam na beses ding bumiyahe abroad, habang si Rainier ay may 10 biyahe; apat si Eumir; lima si Alan Jr.; at pito si Jayson.

 

 

 

 

 

TAGS: alan purisima, Office of the Ombudsman, Radyo Inquirer, alan purisima, Office of the Ombudsman, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.