PhilHealth ID, pinagkakakitaan; mga miyembro binalaan ng ahensya

By Dona Dominguez-Cargullo July 06, 2017 - 10:53 AM

Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) kaugnay sa ilang inidibidwal na nagpapanggap na empleyado ng ahensya at naniningil ng halaga para sa ID.

Sa abiso ng Philhealth, sinabi nitong natuklasan nila na mayroong mga nagpapanggap at nangungulekta ng fee para sa pag-ayos ng PhilHealth ID.

Sinabi ng PhilHealth na walang bayad ang ID para sa kanilang mga miyembro.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na mag-transact lamang sa PhilHealth Local Office o PhilHealth Express para hindi mabiktima.

Kung mabibiktima naman ng ganitong modus, sinabi ng PhilHealth na agad itong ireport sa kanilang action center sa pamamagitan ng pagtawag sa 441-7442 o ‘di kaya ay mag email sa [email protected].

 

 

 

 

TAGS: advisory, philhealth, Radyo Inquirer, advisory, philhealth, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.