Extension ng martial law, suportado ng isang mambabatas

Suportado ng pinuno ng minorya sa kamara kung sakaling hilingin ng Pangulong Duterte ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, mahirap na matapos sa loob ng 60 araw ang giyera ng pamahalaan laban sa Maute terror Group sa Marawi.

Kung titingnan aniya ang sitwasyon sa Marawi ayon kay Suarez, kailangan pa talaga ang extention ng martial law.

Gayunman, sinabi ng mambabatas na kailangan pang hilingin ito ng pangulo sa dalawang kapulungan ng kongreso at nakadepende aa sa kanilang pasya ang extention nito.

Sa ilalim ng 1987 Constitution 60-araw lamang ang bisa ng martial law declaration ng pangulo pero maari itong mapalawig kung hihilingin niya sa Kongreso at kung makakakuha ito ng paborableng boto ay saka pa lamang ito i-e-extend.

Read more...