Sa ilalim ng Department Order 460 ng DOJ, nabuo ang naturang komite na pamumunuan nina Justice Undersecretary Raymund Mecate, Bilang Chairperson at DOJ Assistant Secretary Juvy Manwong na tatayong Vice-Chairperson.
Miyembro naman ng binuong fact-finding committe sina NBI Internal Affairs Services Head, Eric Distor; DOJ Office of the Cybercrime OIC-Director Jed Sherwin Uy at Atty. Noel Adriatico.
Tungkulin ng fact-finding committee na imbestigahan ang umano’y kurapsyon na kinasasangkutan ng ilang tiwaling tauhan ng NBI na nagsagawa ng operasyon laban sa may-ari at mga empleyado ng Intellcash International Inc., Datacentric Corporation and Delta Clout.
Inatasan din ng kalihim ang komite na alamin ang posibleng kriminal at administratibong pananagutan ng mga naturang NBI personnel.
Samantala, 30 araw naman ang ibinigay ng DOJ sa fact-finding committee para magsumite ng kanilang report.