Lalaki patay sa salpukan ng motor at FX sa Benguet

By Kabie Aenlle July 06, 2017 - 05:22 AM

Nasawi ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang Tamaraw FX sa kahabaan ng Buguias-Kabayan road sa lalawigan ng Benguet.

Dinala pa sa Lutheran Hospital sa bayan ng Abatan ang biktimang si David Cunay, ngunit idineklara rin siyang dead on arrival.

Kasalukuyan namang ginagamot pa rin ang mga kasama niyang sina Allan Dagines at Franklin Bulosan.

Samantala, tumakas naman ang driver ng FX patungo sa Sitio Magmagaling sa Barangay Baculongan Norte, sa bayan ng Buguias.

Sa ngayon ay hindi pa natutukoy ng Cordillera police ang pagkakakilanlan ng driver pero natunton naman na nila kung sino ang may-ari ng sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.