Patuloy ang paghina ng halaga ng piso kontra US dollar matapos itong magsara kahapon sa P50.600 sa isa na namang halos 11-year low.
Nagbukas sa 50.540 ang halaga ng piso kontra dolyar kahapon, na bahagyang mas mahina kumpara sa pagsasara sa 50.520 noong Martes.
Pumalo sa 50.600 ang intraday low habang ang intraday high naman ay nasa 50.470.
Bumaba rin ng bahagya ang kabuuang tradevolume sa $507 million mula sa $540 million noong Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.