L.A. at Paris, naglalaban para sa hosting ng 2024 Olympics
Umani ng papuri mula sa International Olympic Committee o IOC ang mga presentation ng Los Angeles at Paris para sa pagtutunggali nila upang maging host ng 2024 Olympic Games.
Tinawag ng IOC na “outstanding” ang presentations ng dalawang lungsod para sa posibleng ikatlong pagkakataong makapaghost ang mga ito para sa naturang athletic event.
Dati nang naging host ng Olympics ang Paris noong 1900 at 1924, habang ang Los Angeles naman ay noong 1932 at 1984.
Apat na lungsod kabilang ang Rome, Budapest, Boston at Hamburg ang nagpakita rin ng interes upang maghost, ngunit kalauna’y sumuko rin sa bidding process.
Ayon kay Patrick Baumann, pinuno ng IOC evaluation committee, nakikitaan ang Paris at Los Angeles ng hindi matatawarang potensyal para maihandog ang natatanging mga palaro.
Malalaman sa susunod na Linggo kung anong lungsod ang mapipiling host, samantalang ang hindi mapipili ay awtomatikong magiging host ng 2028 Olympics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.