4-day Metrowide quake drill, isasagawa ng MMDA sa susunod na linggo

By Mariel Cruz July 06, 2017 - 12:01 AM

Nakatakdang magsagawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng apat na araw na quake drill sa susunod na linggo.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, magaganap ang nasabing quake drill sa July 14, Biyernes hanggang July 17, Lunes.

Ang nasabing aktibidad, na tinawag na “Metro Manila Shake Drill” ay isinasagawa taun-taon para ihanda ang Metro Manila sa posibleng pagtama ng sinasabing “the big one” o ang magnitude 7.2 na lindol.

Magsisimula ang quake drill sa ganap na alas kwatro ng hapon sa nabanggit na mga araw.

Pinili ng MMDA ang nasabing oras para makalahok ng mga office worker, at maisabay sa rush hour.

Dahil sa isasagawang aktibidad, inutusan na ng Meralco na pansamantalang patayin ang suplay ng kuryente sa loob ng limang minuto.

Bukod sa Metro Manila, makikilahok din ang iba pang lalawigan na malapit sa West Valley Fault kabilang na ang Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, at Pampanga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.