Netizen na nanlait sa anak kinasuhan ni Claudine

By Mark Makalalad July 05, 2017 - 08:32 PM

Inquirer file photo

Tinuluyan na ng aktres na si Claudine Barretto ang netizens na nanlait sa kanyang two-year-old adopted daughter na si Quia.

Kanina, personal na nagpunta sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) si Claudine para sampahan ng kasong cyberbullying ang basher na kinilalang si Peggy Enriquez.

Ito’y matapos ngang tawaging “panget” at “looks like batang lansangan” ang anak ni Claudine sa pamamagitan ng social media.

Sa pamamagitan ng mga screenshots mula sa Instagram account ng aktres, ipinakita nito ang mga ipinost na komento ni Peggy tungkol sa kanyang anak.

Ayon kay Claudine, dapat maturuan ng leksyon si Enriquez dahil wala pang kamuwang-muwang ang kanyang dalawang taong gulang na anak para pagsalitaan ng masasama ng isang taong hindi naman nila kilala.

Sabi niya pa na kahit anuman ang itsura ang isang anak, o kahit mukhang batang lansangan pa ito, dapat pa rin itong mahalin at ipagtanggol.

Matatandaang bago ang pagsasampa ng kaso, una nang nanawagan sa social media si Claudine kung paano matagpuan itong basher na si Enriquez.

TAGS: claudine baretto, cyber bullying, NBI, claudine baretto, cyber bullying, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.