Bagong financier ng Maute group pinangalanan na ng AFP

By Rohanissa Abbas July 05, 2017 - 04:38 PM

Inquirer file photo

Ang pinsan ng Maute brothers na ang nagpopondo sa Maute terror group sa Marawi City makaraang arestuhin ang ina ng mga ito na si Farhana noong nakalipas na buwan.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla bilang si Monalisa Romato alyas “Monay”.

Ayon kay Padilla, si Romato ay may ugnayan sa mga dayuhan sa malawak na financial network para sa ekstremistang grupo.

Una nang inaresto sina Romato at kanyang asawang si Gazim Abdullahanak sa Cagayan de Oro makaraang halughugin ng mha otoridad ang bahay ni Irene Idris, isa pang pinsan ng Maute brothers.

Pero kamakailan lang ay nakatakas si Idris ayon sa mga otoridad.

Sa isinagawang pagsalakay ng mga otoridad ay nakarekober sila ng mga armas at pampasabog sa bahay ni Idris.

Hindi rin isinasa-isangtabi ng militar ang posibilidad na may ilang mga pulitiko ang nagpopondo sa teroristang grupo.

TAGS: Marawi City, Martial Law, Maute, Mindanao, romato, Marawi City, Martial Law, Maute, Mindanao, romato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.