Naihatid na sa huling hantungan ang limang magkakaanak na nasawi sa masaker sa San Jose Del Monte Bulacan.
Iniikot muna sa ilang bahagi ng San Jose Del Monte ang mga labi nina Auring Dizon, Estrella Carlos at tatlo niyang anak bago dinala sa simbahan.
WATCH: Libing ng 5 magkakaanak na biktima ng masaker sa Bulacan | Jomar Piquero pic.twitter.com/kPPOvl9EYd
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 5, 2017
WATCH: Libing ng 5 magkakaanak na biktima ng masaker sa Bulacan | Jomar Piquero pic.twitter.com/Wu7y5PNMK7
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 5, 2017
WATCH: Funeral procession nsa 5 biktma ng masaker sa Bulacan | Jomar Piquero pic.twitter.com/bVbs9rvP1E
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 5, 2017
Sa Saint Joseph the Worker Church minisahan at binasbasan ang limang biktima.
Hindi naman naiwasan ng padre de pamilya na si Dexter Carlos ang pagbuhos ng kaniyang emosyon habang isinasagawa ang misa at pagbabasbas sa kaniyang mga mahal sa buhay.
Ang padre de pamilya na si Dexter Carlos | VIDEO-Jomar Piquero pic.twitter.com/thbX3JHXjr
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 5, 2017
WATCH: Pagbabasbas sa limang nasawi sa masaker sa Bulacan | Jomar Piquero pic.twitter.com/EaS3uj4xza
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 5, 2017
Matapos ang seremonya, nagbigay ng pahayag si Dexter.
Aniya, minsan ay hindi niya maiwasang tanungin kung ang sinapit ba ng kaniyang pamilya ay parusa sa kaniya ng Diyos.
“Ito ba ay isang parusa sa akin? Galit ba ang Diyos sa akin? O kaya ito ba ay isang pagsubok?,” ayon kay Dexter Carlos.
Dexter Carlos: Ito ba ay isang parusa sa akin? Galit ba ang Diyos sa akin? O kaya ito ba ay isang pagsubok? | Jomar Piquero pic.twitter.com/Y95h0q0fj9
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 5, 2017
Hiniling din ni Carlos kay Pangulong Duterte na tulungan siyang mabigyang hustisya ang sinapit ng kaniyang pamilya.
Mula sa simbahan ay dinala sa San Jose Public Cemetery ang limang biktima kung saan sila inihimlay.