Limang magkakaanak na nasawi sa masaker sa Bulacan, inilibing na

By Jan Escosio July 05, 2017 - 01:40 PM

Naihatid na sa huling hantungan ang limang magkakaanak na nasawi sa masaker sa San Jose Del Monte Bulacan.

Iniikot muna sa ilang bahagi ng San Jose Del Monte ang mga labi nina Auring Dizon, Estrella Carlos at tatlo niyang anak bago dinala sa simbahan.

Sa Saint Joseph the Worker Church minisahan at binasbasan ang limang biktima.

Hindi naman naiwasan ng padre de pamilya na si Dexter Carlos ang pagbuhos ng kaniyang emosyon habang isinasagawa ang misa at pagbabasbas sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Matapos ang seremonya, nagbigay ng pahayag si Dexter.

Aniya, minsan ay hindi niya maiwasang tanungin kung ang sinapit ba ng kaniyang pamilya ay parusa sa kaniya ng Diyos.

“Ito ba ay isang parusa sa akin? Galit ba ang Diyos sa akin? O kaya ito ba ay isang pagsubok?,” ayon kay Dexter Carlos.

Hiniling din ni Carlos kay Pangulong Duterte na tulungan siyang mabigyang hustisya ang sinapit ng kaniyang pamilya.

Mula sa simbahan ay dinala sa San Jose Public Cemetery ang limang biktima kung saan sila inihimlay.

TAGS: Bulacan massacre, carlos family, Saint Joseph the Worker Church, Bulacan massacre, carlos family, Saint Joseph the Worker Church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.