Dalawang bihag na Vietnamese, pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf

By Chona Yu July 05, 2017 - 11:32 AM

WESTMINCOM Photo

Pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang bihag nilang dalawang Vietnamese sa Tumahubong, Sumisip, Basilan.

Ayon kay Capt. Joan Petinglay, tagapagsalita ng 6th infantry division, alas 5:40 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa mga residente na mayroong dalawang bangkay sa lugar na pugot ang ulo.

WESTMINCOM Photo

Gayunman bandang alas 7:00 na ng umaga narekober ng militar ang mga bangkay na nakilalang sina Hoang Va Hai at Hoang Trung Thong.

Nabatid na ang dalawa ay kasama sa anim na Vietnamese Crewmen ng MV Royal 16 cargo vessel na dinukot ng mga Abu Sayyaf noong Nov. 11, 2016 sa karagatan ng Sibago Island sa Basilan.

Ang isang crewman naman aniya ay nailigtas na noong June 2017.

Sa ngayon tatlo pang Vietnamese ang hawak ng ASG.

Dinala na sa 64 infantry battalion sa Basilan ang bangkay ng dalawang dayuhan.

 

 

 

 

TAGS: ASG beheaded two Vietnamese, MV royal 16, Radyo Inquirer, sumisip basilan, two vietnamese, ASG beheaded two Vietnamese, MV royal 16, Radyo Inquirer, sumisip basilan, two vietnamese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.