Korean stars na bida sa hit drama na “Descendants of the Sun” ikakasal na

By Dona Dominguez-Cargullo, Justinne Punsalang July 05, 2017 - 10:54 AM

Magpapakasal na sa Oktubre sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo na bida sa hit Korean drama na “Descendants of the Sun”.

Ang kumpirmasyon ay ginawa ng Blossom Entertainment at United Artists Agency (UAA) sa pamamagitan ng inilabas na joint statement.

Ayon sa pahayag, sa October 31 nakatakda ang kasal ng dalawa.

Kamakailan, napapabalita na nagde-date nga at madalas na nakikitang magkasama ang dalawa, bagaman walang pormal na pag-amin mula mismo sa kanila hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

Kahit nagulat, maraming fans ang natuwa at knilig dahil nauwi sa totohanan ang pag-iibigan ng dalawa.

Matapos ang anunsyo, agad nag-trending sa twitter ang hashtag na #SongSongCouple at nanguna sa tren sa Pilipinas at maging sa buong mundo.

 

 

 

 

TAGS: descendants of the sun, Korean Drama, Radyo Inquirer, Song Hye Kyo, Song Joong Ki, SongSongCouple, descendants of the sun, Korean Drama, Radyo Inquirer, Song Hye Kyo, Song Joong Ki, SongSongCouple

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.