Natimbog ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Paglas, Maguindanao alas 5:20 ng umaga ng Miyerkules, July 5.
Ayon kay Col. Bismarck Soliba, ang commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade, nagsagawa sila ng operasyon sa lugar para protektahan ang mga sibilyan.
Nakilala ang mga hinihinalang miyembro ng BIFF na sina Bastun Baguil, Mulawan Lagala, Agila Yusop, Muslimen Luminda, Mukalam Salabu at Lumna Dilamex
Nakuha sa mga suspek ang dalawang caliber 50 barret sniper rifle, isang M60 Machinegun, isang RPG, isang M14 Rifle at isang M16 Rifle.
Nagkaroon pa aniya ng palitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng isang oras subalit wala namang nasaktan.
Kasabay nito umaapela ang militar at pulis sa mga sibilyan na agad na makipag-ugnayan sa kanilang hanay kapag may napansin na mga kahina-hinalang tao sa kani kanilang komunidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.