Pulisya, ikinagulat ang pagpaslang sa isa sa mga person of interest sa masaker sa Bulacan

By Justinne Punsalang July 05, 2017 - 10:30 AM

Ikinagulat ng pulisya ang pagkakapatay ng isa sa mga persons of interest sa pagmasaker sa pamilya Carlos sa San Jose del Monte, Bulacan.

Isa si Ronaldo Pacinos alyas “Inggo” sa dalawang itinurong kasabwat ni Carmelino Ibañez sa pamamaslang kina Auring Dizon, anak nitong Estrella, at tatlo nitong mga apo noong June 27.

Natagpuang patay na may limang saksak sa magkakaibang bahagi ng katawan at putol ang apat na daliri ni Pacinos kahapon. Mayroon ding nakapulupot sa leeg ni Pacinos na fan belt ng sasakyan.

Ayon kay Police Supt. Fitz Macariola, acting chief ng San Jose del Monte, hindi pa nila napapatunayan ang partisipasyon ni Pacinos sa pagpatay sa pamilya Carlos. Aniya, hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon sa nasabing karumal-dumal na krimen.

Samantala, ang isa pang itinuro ni Ibañez na kasama nito sa pagpaslang sa pamilya Carlos na si Alvin Mabesa ay kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga otoridad.

Ayon pa kay Macariola, handa silang bigyan ng proteksyon ang mga persons of interest, sakaling sila ay susuko.

 

 

 

 

 

 

TAGS: crime, massacre, person of interest, Radyo Inquirer, san jose del monte bulacan, suspect, crime, massacre, person of interest, Radyo Inquirer, san jose del monte bulacan, suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.