Nagkaproblema muli ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT), Miyerkules ng umaga (July 5).
Alas 8:35 ng umaga, naglabas ng abiso ang MRT at sinabing mayroong service interruption sa kanilang biyahe.
Itinaas sa category 4 ang status ng MRT dahil nagkaroon umano ng problema sa signaling system sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue Stations.
“Service interruption experienced due to Signaling problem,” ayon sa MRT.
Dahil sa nasabing problema, na-delay ang dating ng mga tren.
Alas 8:56 naman nang maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren.
Samantala, alas 11:30 naman ng umaga nang muling nagka-aberya ang MRT.
Pinababa ang mga pasahero sa Cubao station northbound dahil sa naranasang technical problem ng isang tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.