Dalawang lalaki, patay sa pamamaril sa Navotas

By Cyrille Cupino July 05, 2017 - 08:54 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki na miyembro ng LGBT at kanyang boyfriend matapos tambangan sa loob ng kanilang parlor sa Brgy. San Roque, Navotas City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Romy Olarte, 59-anyos, may-ari ng parlor, habang patay rin ang boyfriend nito na si Apollo Blanco.

Dinala pa sa ospital ng mga kaanak ang mga biktima, ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Ayon sa ilang saksi, nagku-kwentuhan lamang ang dalawa sa loob ng parlor nang dumating ang tatlong suspect na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, kilalang gumagamit ng droga si Blanco, at minsan na rin umano nilang naimbitahan para sumuko sa Oplan Tokhang.

Posible umanong nadamay lamang si Olarte sa pagpatay sa adik nitong kinakasama.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Samantala, pito ang naitalang patay sa buong Metro Manila ngayong magdamag.

Dalawa nga itong pinatay sa Navotas City, isa namang umano’y pusher ang nanlaban sa buy-bust operation sa Caloocan, at apat ang naitalang patay sa magkakahiwalay na insidente sa Quezon City, kabilang na rito ang isang menor-de-edad.

 

 

 

TAGS: caloocan, metro news, navotas, Radyo Inquirer, Shooting Incident, caloocan, metro news, navotas, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.