Mahigit 20-pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Batasan Hills, Quezon City

Aabot sa dalawampung pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa Batasan Hills sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog pasado alas dose ng madaling araw. Sa 2nd floor ng bahay ng isang Carol Mansalod sa bahagi ng Talanay Street, nagsimula ang apoy.

Iniiimbestigahan pa ng Quezon City Fire Department kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Itinaas sa 4th alarm ang sunog na naideklarang fire out ala 1:26 ng madaling araw.

Tinataya namang nasa P200,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...