Ilang bahagi ng QC, Marikina at Taguig, 5 hanggang 8 oras na mawawalan ng suplay ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo July 05, 2017 - 07:07 AM

Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City, Marikina at Taguig.

Sa abiso ng Manila Water, lima hanggang walong oras ang itatagal ng water interruption.

Sa Quezon City, alas 10:00 ng gabi ng Miyerkules, (July 5) hanggang alas 4:00 ng umaga ng Huwebes (July 6) ang interruption.

Mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Tandang Sora. Sinabi ng Manila Water na magsasagawa sila ng pipe replacement sa lugar.

Samantala, sa Marikina naman, alas 10:00 ng gabi din mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas mawawalan ng tubig ang bahagi ng San Roque.

Ito ay dahil sa leak repair na gagawin ng Manila Water sa Redwood cor. Gil Fernando Avenue.

Sa lungsod naman ng Tagiug, mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Barangay Pinagsama mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 3:00 ng madaling araw.

Ayon sa Manila Water, magsasagawa naman sila ng line meter declogging sa bahagi ng MRT corner Veterans Road.

Tiniyak naman ng Manila Water na agad ibabalik ang suplay ng tubig sa sandaling matapos ang mga aktibidad.

 

 

 

 

 

 

TAGS: advisory, manila water, Marikina, quezon city, taguig, water, water interruption, advisory, manila water, Marikina, quezon city, taguig, water, water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.