ERC, Meralco pinagpapaliwanag ng Kamara sa kuwestyunableng power supply agreements

 

Pinagpapaliwanag ng House Committee on Good Government ang pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at Manila Electric Company (Meralco) dahil sa mga alegasyon na pawang ‘midnight contracts’ ang mga pinasok nitong Power Supply Agreements (PSA).

Kinukuwestyon ng komite ang ERC dahil sa umano’y pagpapalawig nito sa kautusan na pinapayagan ang mga distribution companies na magsagawa ng competitive selection process o CSP sa pagbili ng power supply.

Sa resolusyon na isinumite ni Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate na inaksyunan ng komite, dapat ay nagtapos ang deadline sa pagsasagawa ng CSP noong November 6, 2015, ngunit nakapagtatakang na-extend ito ng April 30, 2016.

Dahil sa naturang extension ng ERC, nagawang makuha ng Meralco ang power supply agreement na tatagal ng 20-taon nang walang kaukulang public bidding.

Giit ni Zarate, dahil sa naging hakbang ng ERC ay nawala ang kompetisyon sa hanay ng power distribution at muling nasadlak sa mga kuwestyunableng negotiated process ang publiko.

Read more...