NCRPO itinaas sa full alert dahil sa pagtitipon ng INC

By Jan Escosio August 28, 2015 - 10:59 PM

11911448_10206275956992989_1164172278_n
Rem Zamora/PDI

Inilagay na sa full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod ng lumalaking bilang ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA.

Ayon kay National Capital Region Police Office director Chief Supt. Joel Pagdilao, maliban sa itinaas na alerto, activated na rin ang Task Force Manila Shield.

Ang Task Force Manila Shield ay pinaiiral ng PNP kapag may malalaking pagkilos o pagtitipon.

Nagsimula ang full alert status ng NCRPO alas 6:00 ng gabi ng Biyernes.

Nagtalaga na rin ng mga anti-riot police sa People Power Monument sa Edsa sa White Plains Quezon City.

Ayon sa PNP pananatilihin ang maximum tolerance sa pagbabantay sa pagtitipon na inaasahan namang magiging mapayapa.

TAGS: edsa inc rally, edsa inc rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.