Ina ni Ella Cruz, tinawag na ‘scammer at stalker’ ang CEO na nag-alok ng coffee date kay Erich Gonzales

By Rhommel Balasbas July 05, 2017 - 04:15 AM

 

‘Scammer at stalker.’

Ito ang mga alegasyon ng ina ni Ella Cruz kay Xian Gaza, na nag-viral kamakailan sa social media dahil sa kakaibang coffee date proposal nito para sa aktres na si Erich Gonzales.

FB/Jesica Zurc

Matapos umani ng papuri lalo na sa mga kababaihan, umani naman ngayon ng pangungutya si Gaza dahil sa mga paratang ng ina ni Ella Cruz na may pangalang Jesica Zurc sa Facebook.

FB/Xian Gaza

Sa isang Facebook post ni Jesica, hayagan niyang sinabi na mayroong scam issues na kinasasangkutan si Gaza, at gumagawa lang umano ng gimik para sa business nito.

Sinabi rin ni Jesica na nag-stalk din ang umano’y CEO sa kanyang anak na tinawag niya ring ‘famewhore’ o pasikat.

Samantala, makikita naman sa isa sa mga dating post ni Gaza ang pag-amin na nabaon siya sa mahigit 13 milyong utang noong siya ay nasa 19 taong gulang pa lamang.

Agad namang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang mga naging pahayag ng ina ni Ella Cruz laban sa businessman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.