Commercial building, nasunog sa San Juan

 

Nasa siyam na milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog na sumiklab sa isang commercial building hapon ng Martes sa San Juan City.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng Goodline Agency Building sa No. 123 A. Lake St., malapit lamang ng kanto ng Aurora Blvd.

Agad na itinaas sa 4th alarm ang sunog ilang minuto makaraang magsimula pasado ala-una ng hapon.

Aminado ang mga bumbero na nahirapan din ang mga tagapamatay sunog na maapula ang sunog dahil sa kakulangan ng gamit.

Napilayan naman sa kanang paa dahil sa insidente si Ginang Carmelita Bianda, 56 taong gulang.

Dahil din sa sunog, sampung minutong inihinto ang operasyon ng LRT 2 at pinababa ang mga pasahero sa J. Ruiz at V. Mapa station dahil sa usok na galing sa sunog.

Read more...