Royal Australian Air Force nagpahiram ng mga eroplano sa AFP
Sinimulan na ng Armed Forces of the Philippines ang paggamit sa dalawang AP-3C Orion aircraft na ipinahiram ng Royal Australian Air Force.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagsimulang lumipad ang surveillance aircraft noon pang Biyernes, June 30 at mananatili sa bansa ng dalawang linggo.
Magpapalitan anya ang paglipad ng dalawang eroplano ng Australia sa dulong bahagi ng bansa.
Ayon kay Lorenzana, magkatuwang ang mga piloto at mga technicians ng Pilipinas at Australia sa pagpapalipad ng dalawang suriveillance aircrafts.
Paliwanag ni Lorenzana ang mga piloto ang nagre-relay ng signal sa mga sundalo sa General Headquarters o sa Zamboanga City kung ano ang nakukuhang imahe sa grounds sa Marawi City.
Malaking tulong ayon kay Lorenzana ang dalawang eroplano ng Australia lalo’t may kakayahan ang mga ito na lumipad sa gabi o kahit abutin pa ng bente kwatro oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.