P3.767 Trillion proposed budget sa 2018 aprub kay Duterte

By Isa Avendaño-Umali July 04, 2017 - 07:30 PM

Inquirer file photo

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, inaprubahan ni Duterte ang P3.767 trillion national budget sa cabinet meeting kahapon (Junly 03).

Sinabi ni Diokno na pinaplantsa na lamang ang 2018 national budget para maisumite kay Duterte sa mismong araw ng kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA sa July 24.

Sa briefing sa Malacañang kaninang umaga, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang Department of Education ang may pinaka-mataas na alokasyon para sa susunod na taon.

Ang iba pang ahensya na may malaking parte ng panukalang pambansang pondo ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH); Department of Interior and Local Government (DILG); Department of Health; Department of Social Welfare and Development (DSWD); Department of Agriculture (DA); at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inaasahan na isusumite sa Kongreso ang 2018 proposed national budget na inaasahang bubusisiin ng mga mambabatas bago tuluyang aprubahan.

TAGS: 2018 budget, diokno, duterte, GAA, 2018 budget, diokno, duterte, GAA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.