PNP-SAF members aalisin na sa loob ng New Bilibid Prisons

By Chona Yu July 04, 2017 - 04:43 PM

Inquirer file photo

Gustong alisin ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ang mga miyembro ng Special Action Force na nagbabantay sa mga drug lords sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ito ay matapos ihayag kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na bumalik na naman ang drug trade sa Bilibid at sangkot ang ilang SAF members.

Ayon kay Dela Rosa, mismong ang mga SAF members na ang nagsabi na gusto nilang maalis na sa Bilibid sa takot na masira lamang ang kanilang pangalan dahil sa wala naman umano silang complete control sa loob ng bilangguan.

Sinabi ng pinuno ng PNP na kakausapin niya ang mga pinuno ng SAF na kung maari ay magkaroon muna ng rotation sa mga nakatalagang tauhan nila sa NBP.

Over stretched na aniya ang SAFdahil bukod sa pagbabantay sa mga drug lords sa Bilibid, pinagtutuunan din ng pansin ng elite force ng PNP ang problema sa Zamboanga Peninsula, maging sa Maguindanao at sa Marawi City.

TAGS: Bilibid, dela rosa, Drug trade, Marines, SAF, Bilibid, dela rosa, Drug trade, Marines, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.