OSG nagpasalamat sa SC sa pagsuporta sa laban kontra terorismo

By Mark Makalalad July 04, 2017 - 03:49 PM

Inquirer file photo

Ikinalugod ng Office of the Solicitor General ang pagpabor ng Korte Suprema sa Martial Law declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Sa isang pahayag, sinabi ng OSG na ang pagbasura ng S.C sa petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng procalamation no. 216 ay nangangahulugan lamang na may banta talaga sa seguridad at mayroong nagaganap na rebelyon sa Mindanao.

Ipinakita rin daw sa desisyon ng Supreme Court na kaisa ito ng Pangulo sa pagprotekta at pangangalaga sa soberanya at territorial integrity ng bansa.

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni SC Spokesperson Atty. Teodore Te na pinaboran ng mga mahistrado ang deklarasyon ng batas militar sa botong 11-3-1.

Ang 11 justices ay pumabor na ibasura ang petisyon, partially granted naman ang boto ng tatlong mahistrado habang isa ang kumontra.

Matatandaang Hunyo 13 hanggang 15 isinagawa ang oral arguments sa mga petisyon na inihain ng ilang dati at kasalukuyang mambabatas at ilang residente ng Marawi City at lefties groups tungkol sa Martial law.

Ang martial law sa Mindanao ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte nuong May 23, 2017 nang maganap ang pagsalakay ng mga teroristang grupo sa pangunguna ng Maute Group sa Marawi City.

TAGS: calida, Martial Law, Mindanao, solicitor general, Supreme Court, calida, Martial Law, Mindanao, solicitor general, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.