P134M halaga ng shabu at marijuana, sinunog ng PDEA
Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa P134 milyon na halaga ng shabu at mga marijuana.
Sa pamamagitan ng tinatawag na thermal decomposition sa isang pasilidad sa lungsod ng Malabon ginawa ang pagwasak sa mga droga.
Ayon kay PDEA Chief Isidro Lapeña ang mga droga ay nakumpiska sa magkakahiwalay nilang operasyon noong nakaraang taon.
Dagdag pa nito, naiprisinta na sa korte bilang mga ebidensya ang mga droga kaya’t mayroon nang court clearance na para wasakin ang mga droga.
Layon ng ginawang pagsunog na matiyak na hindi na mapapakinabangan pa ang mga ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.