Binatilyo, natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Quezon City

CONTRIBUTED PHOTO

Iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang natagpuang patay na binatilyo sa ilalim ng San Mateo Bridge sa Batasan Hills, Quezon City.

Base sa paunang impormasyon, isang residente ng lugar ang nakadiskubre sa katawan ng biktima sa damuhan sa gilid ng ilog at agad nitong ipinaalam sa otoridad.

Walang nakakakilala sa biktima na tinatayang nasa 13 hanggang 16 ang edad.

Inaalam na kung ito ba ay nagpakamatay, inihulog o aksidenteng nahulog mula sa tulay sa taas na hindi bababa sa 50 talampakan ang taas.

Nakasuot ng asul na sando at pulang t-shirt at maong shorts ang binatilyo.

 

 

 

 

 

Read more...