Bagong promote na DepEd official patay sa pamamaril sa Zamboanga Del Sur

By Justinne Punsalang July 04, 2017 - 10:49 AM

Patay ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) matapos itong barilin sa ulo at dibdib sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Marcom Borongan, na outgoing superintendent ng Pagadian schools division ng DepEd.

Kapo-promote lamang ni Borongan bilang provincial schools division superintendent.

Ayon sa mga otoridad, nagdaraos sina Borongan at kanyang mga kasamahan ng despedida ng biktima sa DepEd Teacher’s Center ng Pagadian nang lapitan ito ng gunman at barilin sa ulo at dibdib gamit ang isang kalibre 45 na baril.

Muling nagpaputok ang gunman habang ito ay tumatakbo papalabas.

Ayon sa mga saksi ng insidente, tumakas ang suspek sakay ang isang motorsiklo.

Kasalukuyan pang inaalam ang motibo sa pagpatay kay Borongan.

 

 

 

TAGS: deped, Pagadian City, provincial, Radyo Inquirer, deped, Pagadian City, provincial, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.