Walong bahay ang tinupok ng apoy at aabot sa sampung pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Muntinlupa City.
Sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Freddie Lonzame nagsimula ang sunog sa barangay Buli.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Lonzame na nagsimula ang sunog alas 6:15 ng umaga sa kwarto ng kaniyang anak.
Pinaniniwalaang faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.
Ayon naman sa mga tauhan ng Muntinlupa City Fire Department, dikit-dikit ang mga bahay at pawang gawa sa light materials.
Bago naman mag alas 7:00 ng umaga ay tuluyan nang naapula ang apoy.
WATCH: 10 bahay ang tinupok ng apoy sa sunog sa Buli, Muntinlupa City | @BrozasRicky pic.twitter.com/pxzyvDrlQC
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 3, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.