Tatlo ang patay sa buy-bust operation sa Caloocan

Kuha ni Cyrille Cupino

Tatlo ang patay sa ikinasang buy-bust operation sa Alibangbang St., Amparo Subd., Caloocan City.

Kinilala lamang ang mga napatay na suspect na sina alyas Abet, alyas Song, at alyas Jay-R.

Sa inisyal imbestigasyon, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Caloocan City Police, pero nakatunog ang mga suspect na pulis ang kanilang ka-transaksyon.

Dahil dito, pinaputukan ng mga suspect ang mga pulis, dahilan para gumanti ang mga ito at mapatay on-the-spot ang mga suspect.

Ayon kay Police Chief Insp. Timothy Aniway, hepe ng caloocan police station 4, pawang mga drug suspect ang mga napatay, at sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng carnapping at panghoholdap.

Nakahandusay ang isa sa mga napatay, nakasampay naman ang isa sa bintana ng abandonadong barangay outpost, habang ang isa ay nakaupo sa loob ng outpost.

Nakuha mula sa mga suspect ang 17 sachet ng shabu, isang granada, isang pen gun at isang caliber .45 na baril.

Read more...